Kris: I feared for my life

The following is the full transcript of the exclusive interview of TV Patrol anchor Korina Sanchez with actress and television host Kris Aquino on Wednesday.

KORINA: Good evening sa 'yo Kris. Kumusta ka na? Nakatulog ka na ba?

KRIS: Hi Korina. I have not. I barely slept, I haven't eaten, but that's beside the point. Gusto ko hong linawin sa lahat ng mga tao, I did not want this to come out. I went to my mom's house Monday night primarily because I needed my family. My closest friends came over. Ang advice nilang lahat manahimik kami, maghintay. Ang kapatid ko si Noy, siya'ng nag-insist na magpa-medico legal kami. Meron siyang mga kaibigan na PNP na pumunta rito. Pero nakikiusap kami na i-bury na muna natin ito. Get Kris' statement but we don't want it made public if that is possible. I did not want it to come out Korina.

The problem was Tuesday morning. As early as 11 a.m., ang kampo ni Joey nagsalita. Sinabi nila na away lamang daw ito ng magkasintahan. It was a lovers' tiff. It was not. Hindi kami nag-away nang walang saysay. I will assert the fact. Tinutukan n'ya ko ng baril. Kinasahan n'ya ko ng baril. Handa po ako, sinasabi ko 'to sa buong Pilipinas, lahat kayo.

Ang kampo ni Joey, sabi nang sabi, 'Kris sabihin mo lang ang katotohanan.' Ito ang katotohanan. Joey alam mo kung ano ang ginawa mo. Tinutukan mo ako, kinasahan mo ako. Hindi ko dapat paabutin sa ganito. Korina, I'm prepared, I want to take a lie detector test.

You're questioning my credibility, you are insinuating na nagsisinungaling ako. Marami akong kasalanan, hindi ako perpekto na tao. Marami akong pagkukulang sa anak ko. Marami akong utos ng Simbahan na nilabag, but I am not a liar. And I am prepared. You want a lie detector test, let's do it. Let's televise it. I'm just asking you Joey, kaya mo rin ba 'yun?

KORINA: Parang nakakadama ako ng matinding galit. Parang ngayon lang kita nakitang ganito Kris.

KRIS: I am not crying. That's the whole point. When we fought, hindi ako umiyak. Galit ako Korina dahil minahal ko siya with all my heart. Binigay ko'ng lahat. Sinugal ko'ng lahat para sa kanya. Pero wala akong halaga sa kanya. Dahil sa isang away hindi niya na-control ang temper niya. Handa siyang barilin ako. I told him,'Hindi mo gagawin yan sa anak ng isang taong inassasinate.' Alam niya. Alam ng buong Pilipinas namatay ang Daddy ko dahil binaril siya. Tinutukan niya ko ng baril Korina. Ilabas na natin lahat ng ibang issue. Iyun ang issue.

Tinutukan niya ako ng baril. Kinasa niya yung baril. Korina, kung away lang 'yan, ilang beses na ba kaming nag-away, alam mo yun. Kung dahil dito sa mga pasang ito. You saw me with bruises and you asked me. You asked me Korina 'Si Joey ba ang gumawa n'yan?' Nakita mo 'yun sa Morning Girls and I denied it to you. I denied it because I loved him and because I wanted the relationship to work. Pero tinutukan niya 'ko ng baril, kaya napilitan akong tumakbo sa pamilya ko.

I have given my family enough shame. Ang daming taong sinasabi ako ang sumira sa magandang pangalan. Nanggaling na kay Joey, bayani ang tatay ko, naging presidente ang nanay ko. Ilalagay ko pa ba sila sa alanganin kung hindi katotohanan ang sinasabi ko? This is not a matter of me wanting more news about myself because this is not the type of news I would want. Joey said to me, 'You love nothing more than your career.' I may lose my entire career. I may lose everything I dreamed of since I was two years old because of this situation. And yet I did not talk Korina eh. Yung unang salita hindi nanggaling sa 'tin.

KORINA: I think I can attest to that fact Kris because you called me up. Ito well, hands-off to being a journalist and as a friend, pero it is factual that you called me up right after Morning Girls and ang pagkakaalam ko talaga ay mananahimik talaga kayo. I think both of you agreed.

KRIS: Yes. We made that. We had that agreement, manahimik tayo, maghintay tayo. Ano'ng nangyari. Si Ricky Lo nakakuha ng statement galing sa manager n'ya. Sa radyo nag-umpisa ang balita. Kung ikaw si Noynoy, hindi mo ba sasabihin, 'Kris pumunta na tayo sa Crame. Ikaw pa ang babaliktarin nila.' Ang mommy ko sinabi sa 'kin 'Ikaw na nga ang inargrabyado, ikaw pa ang pagmumukhaing masama.'

'Yung statements n'ya that I like to hurt myself, oo nagkasakitan na kami. But I emphasize nagkasakitan kami. Korina ang dami ko nang tiniis in the name of loving Joey. My mom told me 'For somebody so intelligent bakit pagdating sa lalaki nakapakaboba mo.' Totoo, nagpakaboba ako para kay Joey.

I'll address this now. 'Tinakot mo ko bago ako umalis, sinabi mo sa akin na may ibubunyag ka. Joey alam nating dalawa kung ano'ng pinagdaanan ko noong March. Nagpa-doktor tayo. Alam mo kung ano'ng ginawa mo sa 'kin nun. Alam mo rin dahil may records. Bumalik tayo sa St. Luke's para magpa-check dahil kailangan ko ng insurance nung August. Alam mo yun. Kung 'yan ang balang gagamitin mo sa 'kin. If you want to destroy me because of that, you'd know what you did to me.

KORINA: Do you care to elaborate on that Kris? Is this the reason why you....?

KRIS: No, it is not the reason. He gave me a sexually transmitted disease Korina. We need a treatment because I was bleeding profusely. Yun ang pinanakot n'ya sa 'kin bago 'ko umalis ng Essensa. Nagamot ako pero sinabi n'ya sa 'kin, 'Do you think 'pag nalaman 'yan ng buong Pilipinas, may lalaki pang magpapakasal sa 'yo?' Sinabi ko sa kanya, 'Joey ikaw ang may kasalanan nito.

Korina, what are the implications of that? The implication is that his womanizing is incurable. And that was what I was saying.

Oo totoo, selos ang pinag-umpisahan ng away. It was a text message. I said 'Joey why don't you turn on your phone, I'm about to go to Game K N B, pumunta ka, pumunta ka na dun sa meeting mo. Binuksan n'ya ang phone n'ya, sinabi ko 'Tawagan mo na ang Kuya Damba mo, sabihin mo papunta ka na para sabay tayong umalis.' When he turned on the phone, s'yempre when you turned on the phone papasok ang messages.

The name was Mariz. M-a-r-i-z. It must be a code. I just read parts of it. It said 'Hindi ako makapaniwalang nagawa mo.' Binura n'ya. Nagmadali s'yang burahin. Dalawang beses pumasok yung text, nagmadali s'yang burahin. Nagmadali s'yang mag-scroll dun sa letter M. Alam ko yun dahil nakita ko yung Manay Gina. Binato n'ya yung cellphone nung nag-aagawan na kami ng cell phone. Kung hindi ka guilty sa laman ng cell phone na 'yun, bakit mo ibabato. Bago kami nagkatutukan ng baril, inaamin ko, tinapunan ko s'ya ng fluid. Tinapon ko dun sa kama, yung fluid ng Lampbergť, yan yung scented fluid yan na may amoy. Lumiliyab 'yan. Oo pinaliyab ko yung kama, pero pinatay ko ng pillow na flame retardant. Tumayo siya sinabing, oo totoo.

OK. I admit it. Sinasabi nila that I grabbed at his genitals. I did. I wanted to crush it. Then sinabi ko 'Ano pa ba ang kulang sa akin?' Ilang beses mo ba akong kailangang gaguhin. Tumayo s'ya he went to the closet and grabbed my August billing statement for my cellp hone. Binato n'ya sa mukha ko at sinabi n'ya, 'Ikaw ang mapapahiya ngayon. Ikaw ang guilty.' Yun ang parati n'yang ginagawa 'pag siya ang nalalagay sa alanganin, pinalalabas n'ya na ako yung nanlalaki.

Korina, I have never been promiscuous in my entire life. SInabi n'ya nandyan sa bill na 'yan, kinakausap mo pa rin s'ya.

KORINA: And this is, is it important to know that?

KRIS: Humingi ako ng paumanhin sa kanya, he should not be involved in this. But if I have any sins, it is the sin of telling too much. That person involved is Vic Sotto. I did not talk to him the entire month of August, Korina. Yun ang pinamumukha sa akin ni Joey. Yun ang binato na cellphone sa akin. Yun ang sinabi ko na 'Tama na 'to. Tama na. Ano pa ba?' Sabi ko, 'Ayoko na Joey, I just want out, I'm leaving.' Dun n'ya kinuha yung baril at kinasa n'ya sa 'kin. Kinasa n'ya yung baril. Tapos siguro nakapag-isip, ni-release ang magasin. Tinapon yung baril. Yun ang pangyayari. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng kuwartong iyon. Pero yun ang pangyayari.

Korina, hindi ko sisiraan ang buong pagkatao ko in the interest of telling the whole truth kung hindi totoo ang sinasabi ko. We have had many fights. We fight on an almost weekly basis.

KORINA: Is it always physical?

KRIS: No. It's not always. Sinasabi n'ya na ako daw ang mahilig magmura. Totoo, namumura ko talaga siya. Pero ano ba'ng sinasabi n'ya sa 'kin? Ang buong pagkababae ko nilalapastangan niya. Gusto n'yang iparamdam sa 'kin na walang magmamahal sa 'kin. Ilang beses n'yang inulit sa 'kin, 'Sino ba'ng mga lalaking pinagmamalaki mo? Ang tatay ng anak mo bum, ikaw ang nagpakain sa kanya. Si Robin Padilla na naging boyfriend mo, ano 'yan drug addict na ex-convict.'

Parati n'ya 'kong minamaliit. At sinasabi n'ya sa akin na 'You're just so lucky to have me. Pasalamat ka na nagtitiyaga ako sa ' yo.' And I took it. Ganun ako katanga. Ang tagal kong tinanggap yun. Kinalimutan ko yung pagpapalaki na ginawa ng nanay ko sa akin. Ganun ako nabulag sa pag-ibig ko sa kanya. There were so many times we were gonna break up he was leaving. I begged him 'Joey please let's work it out.' Umabot Korina sa point na sa Essensa naka-bathrobe ako, hinahabol ko s'ya sa basement dahil sinasabi ko, 'Puwede pa natin 'tong maayos.' Ganun ako ka-gaga sa pag-ibig sa kanya. I wanted to spend my life with him. I wanted to make things right. I was looking forward to the day we could make it legal. Kaya lang Korina, buhay ko yun eh. Hindi na n'ya ko ginalang. Hindi n'ya ginalang yung karapatan kong mabuhay dahil tinutukan n'ya ko ng baril. Until now when I remember it, nanginginig talaga ako kasi hanggang ngayon pagpipikit ako, naririnig kong kinakasa yung baril.

KORINA: Talaga bang nagdadala s'ya ng baril?

KRIS: Yes.

KORINA: Marami ba talagang baril si Joey dahil 'yan ang lumalabas sa mga balita ngayon.

KRIS: I don't know. There was one that I would always see. Beyond that I don't know.

KORINA: Ano'ng klaseng baril ang nilabas n'ya Kris?

KRIS: Mahaba Korina, hindi ko alam kung ano. Alam ko lang na may magasin. Noy was asking me, Gen. [Hermogenes] Ebdane was asking me, 'Ano'ng naaalala mo?' Ang sinabi ko hindi siya maigsing baril, mahaba siya, hindi siya color black. Nandun s'ya sa parang grayish na kulay. Yun lang ang naaalala ko. Ang naaalala ko talaga yung pagkalabit. I'm sorry, yun, pero naaalala ko na parang ang laki-laki nung bilog, yung nakatutok sa akin. Naalala ko na sinabi ko, 'Tama na at nagawa mo ito na ang anak ko nandyan lang sa labas. Aalis na kami, pupunta na ko sa mommy ko.'

At totoo, sinabi ko sa kanya, 'I'm going to my mom Joey and you're dead.' Because wala na 'kong ibang mapupuntahan. Korina, sa lahat ng ibang away namin, nag-check in ako sa hotel. Tumawag ako sa mga kaibigan para sunduin ako. Pero ngayon tumakbo ako sa pamilya ko dahil natakot na ko para sa buhay ko.

KORINA: Sa loob ng isang taon ba?

KRIS: A year and a half.

KORINA: A year and a half na sinabi mo ngang parati kayong nag-aaway. Nabanggit mo sa Morning Girls yun na you were wishing na sana dumaan ang tatlong araw na hindi kayo nag-aaway. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumakbo ka sa Times , dito sa bahay ng mommy mo?

KRIS: I did not want to involve my mom or my brother. The last person I would want to involve is Noynoy because he has been so vocal about his feelings for Joey, about the animosity. Ayoko. Ayoko talagang puntahan ang nanay ko dahil ako rin ang mapapahiya eh. Dahil obvious ba kasalanan ko ' to. As I've always said nobody held a gun to my head to stick it out with Joey. It was my choice. Nakakahiya.

KORINA: Napatunayan ba na, are you sure that there was a bullet in the gun?

KRIS: Yes, I saw it.

KORINA: Ah, nakita mo talaga.

KRIS: I saw it when, nung na-release yung magasin.

KORINA: At nasa'n si Josh nung nangyayari ang lahat ng ito?

KRIS: Una kumakatok s'ya sa corridor tapos pinasok s'ya ng yaya n'ya sa kuwarto. And then nung lumabas ako nung nagsisigaw ako, sinasabi ko 'Bambi let's go.' Bambi is my make-up artist. We were on our way to go back sana to my Game K N B taping. I said 'Yaya Ana, kunin mo ang gamit ni Josh pumunta na tayo kay lola, umalis na tayo dito. Let's go.' Tapos Bambi heard me, I don't remember it, maybe I was in shock, but I was calling up my manager Deo Endrinal. Sabi ni Bambi nakita daw n'ya 'kong pindot nang pindot ng cellphone. At sinasabi ko kay Deo, 'Deo sobra na, tinutukan na niya 'ko ng baril, Deo sobra na, tawagan mo si Mario Dumaual papuntahin mo sa bahay ng mommy ko. Instinct yun and that's when they all said, 'calm down.'

My family, when I got here, they were shocked but they were all saying, 'Sigurado ka bang ayaw mo na? dahil baka... Pag-isipan mo, sinabi nila, because 'pag nilabas mo 'to at mag-retract ka later on, lahat ng tao na tumulong sa 'tin along the way, sila ang ilalagay mo sa pahamak.

Tumakbo kaming palabas na nakapantulog si Josh. Naka-tsinelas ang yaya n'ya. Wala akong damit na nakuha, of my things. Ang nakuha ko lang yung alahas ko na nandun sa table. Sinabi ko 'Bambi kunin mo yung alahas ko, let's go.' That's it.

KORINA: So narinig nila Bambi at nila Josh yung sigawan ninyo sa loob ng kuwarto.

KRIS: Ang narinig nina yaya Ana was that may nagsisigawan. His daughter Jessem was in the next room but I was not aware he was there. He texted me to say after all the news had come out, 'Tita I heard that you were arguing, that's why I did not go out of the room.'

KORINA: So ang lahat nang ito ay sa loob lamang ng isang kuwarto nangyari.

KRIS: Lumabas si Joey muna, sinundan ko s'ya. Bumalik kami doon sa loob ng kuwarto. Yung sinasabi n'ya na kinandado ko s'ya ayaw ko s'yang palabasin, totoo, hinarangan ko yung door. Sinabi ko, 'We settle this now.' Pero Korina, Joey is 6' feet two. Joey is about 220 pounds, 100 lbs ang difference namin. One foot ang difference namin. Hindi ko s'ya makakandado sa kuwarto.

Sinabi ng mommy ko, my dad had always said, 'Cory ibilin mo sa mga magiging boyfriend ng mga anak natin, sa mga magiging asawa nila, kung magalit ka sa anak kong babae, kung mag-aaway kayo, at ayaw mo na, ibalik mo na lang. Kami na lang ang mag-aalaga. My mom was saying, 'Bakit ba hindi ka na lang n'ya tinulak. Bakit tinutukan ka niya, tinutukan pa ng baril? Korina in this whole incident, mali yung mga sinasabing nag-iiiyak ako. Hindi. But there was only one moment that I cried. That was when I went into my mom's room after I started telling her what happened. Niyakap ako ng mommy ko. My mom embraced me and she said, 'Don't worry you're home.'

Joey used to talk about unconditional love. It's only my mom who has ever given me unconditional love. I have hurt my mother more than any other human being, I disappointed her so many times. And yet nandyan siya para sa 'kin.

KORINA: Bago natin pag-usapan ang mga legalidad Kris, si Joey nasa kabilang istasyon at ang monitoring team natin, ang sabi, ang sinasabi daw niya ay mayroon kang suicidal tendencies. Now this is consistent doon sa kanyang mga naunang pahayag sa radyo. At alam ko yan, talagang una siyang magsalita at nagulat tayong lahat na sa lalaki nanggaling yung unang banat. Pero ang sinabi niya ay may suicidal tendencies ka and you really have a tendency to inflict injury on yourself, gustong-gusto mo daw na sinasaktan mo ang iyon sarili. Ano ang reaction mo dito?

KRIS: Bakit n'ya nililihis yung issue? Bakit hindi yung baril ang pag-usapan natin?

Korina, kung sinaktan ko man ang sarili ko, nanakit din siya. Tanungin kaya natin, why did I hate myself so much at this point? Why has this never come out. Korina my life has been an open book. If all this is coming out now, bakit kaya? Anong kayang klaseng lalaki si Joey Marquez na gugustuhin kong saktan na lang ang sarili ko, na gugustuhin kong mamatay. I reached that point, I wanted to die. That was after the interviews of Jackie Forster, of Stella L., I never wanted to mention those women. Their names have never escaped my lips. Pero winalanghiya ako ni Joey. Dati galit ako dun sa babae, pakiramdam ko ang kapal mo. It take two to tango as they've always said, siguro nga totoo. Totoo yung nangyari nung Pasko, sabay kaming dinala sa Amerika. Ganun po ako katanga.

KORINA: So ang lahat nang ito pinagbulag-bulagan mo?

KRIS: I did. I loved him that much. I don't know what he has. I don't know kung ano'ng meron siya na minahal ko s'ya to this extent. Hindi ko alam kung bakit ako nagpakaboba ng ganito. Pero tinanong ko nga ang sarili ko, in my entire life, with any of my past relationships, did it ever reach that point that I wanted to die? No. It only happened with him.

KORINA: And that is because of the betrayal. Yung pang-aabuso n'ya sa 'yo.

KRIS: I would always tell him, 'Joey binigay ko'ng lahat, I loved you without counting the costs. I gave it my all. I not only loved you, but I loved you without asking anything in return. Kaya ganun na lang siguro ang galit ko. Ganun ang hinanakit ko. Ganun siguro ang inis ko sa sarili ko.

KORINA: Do you think that he loved you, I mean all throughout this time nakaramdam ka rin ba ng pag-ibig mula sa kanya na sinsero sa iyong puso. Nadama mo rin ba yun kaya mo siya, sabihin na nating, pinagtiyagaan sa loob ng isa't kalahating taon?

KRIS: I don't know. I don't know if it was all an act. It could have been that's why he snapped. It could have been because I came into his life when he was breaking up with Alma. To save his ego and then baka kahiyaan na kung hindi magtagal ito. Hindi ko alam kung minahal niya talaga ako. Sinasabi niya minahal niya ako. Sinasabi niya na namimiss niya ako. Pero bakit umaabot sa ganito. Bakit ang buong pagkatao ko sinisira niya. Korina I only have spoken about the truth. I only brought up incidents that have really happened.

KORINA: He tried to get in touch with you I understand?

KRIS: Joey, sinabi ko na ang katotohanan. Iyan ang katotohanan at iyan ang katotohanan. Lahat ng kampo mo iyon ang hinihingi sa akin. Nagsalita na ako.

KORINA: May pagkakataon pa ba na siya ay mapapatawad mo? Dahil ang sinsabi ng marami Kris, and I have to say this, naku baka kaunting himas lamang ay babalikan na ni Kris iyan?

KRIS: When I give him the opportunity to kill me, 'pag natutukan ka na ng baril, the next time...madali nang kalabitin ito. He always says he loves me above everybody else. I want to stay alive Korina. Only now that I realized, oo nga, na I want to stay alive.

I have a son I love, I have a mother I love who loves me, I have friends who have shown me they are really there for me. I have a brother who, na ilang taon ko nang kaaway, ilang taon ko nang inapi sa telebisyon, pero nandiyan para sa akin nung kinailangan ko at the risk of everything he has.

KORINA: Masasabi ba natin na isang bayolenteng tao si Joey Marquez? Ang kanyang kampo ay nagsasabing it also takes two to tango Kris, at baka it was because of provocation. Ibig sabihin talagang kinulit ng kinulit at it sounds cruel, pero sasabihing siguro talagang tama lang sa kaniya dahil sa pangungulit niya. Ano ang reaksyon mo dito sa ganiyang klase ng mga komento?

KRIS: Sana tinuloy na niya. Sana kinalabit na niya ang baril.

KORINA: Would you describe him as a violent man? Kung madalas kang nagkakaroon ng pasa, minsan tinanong kita dine-deny mo naman iyan. Siguro yung mga kaibigan mo madalas ka ding makitaan ng pasa hindi mo lang inaamin. Madalas bang mangyari na nagkakasakitan kayo?

KRIS: Is he violent? He always claims that he is not. He always tells me na you can never say that I laid a hand on you. He did, he laid a hand on me after that Kool Ka Lang episode nasampal niya ako noon. Dahil nga sa pangungulit ko dahil sa panglalait na ginawa ko sa kanya. Dahil sa sinabi ko hindi na ninyo ako nirespeto bilang babae. Have I hit him? Yes. Have I bitten him? Yes, I have. Nag-away kami ilang beses talaga Korina. Pero kahit anong provocation that had really not given him the license na tutukan ng baril ang isang babae na sinabi mong mahal mo.

KORINA: So matatawag natin na isang sinungaling si Joey Marquez? Are you ready to call him that? Na talagang si Joey Marquez ay sinungaling dahil ang sinabi niya kahit kailan ay hindi siya tumutok ng baril?

KRIS: You are a liar. I maybe many things, but I am not a liar Joey. Sa buong Pilipinas po, pagkatapos nito wala na po akong karerang babalikan kung gugustuhin po ng buong Pilipinas na its about time that girl becomes punished because of her foolish choices, kasalanan naman niya ang nangyari, mali ang pinili niyang mahalin.

Tanggap ko, handa ako. Kasi iyon ang pagkakaiba namin Korina. Ako handa akong panagutan ang mga pangyayari. Ako handang tumayo, handa akong humarap, handa akong sabihin ang katotohanan kahit na mawala na sa akin ang lahat. You keep saying you are prepared to loose everything Joey, but you donít have the balls to say the truth.

KORINA: Do you have a message for the public who has been so concerned at alalang-alala sa iyo?

KRIS: Humihingi po ako ng tawad sa inyong lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya ko. My Mom told me you could never have it all. I tried to have it all, the problem was mali ang ginusto ko. Humihingi po ako ng tawad sa publiko na parati akong pinapatawad, tinanggap lahat ng kalokahan ko. Sinakyan yung mga biro, nakitawa sa akin nakiluha sa akin, pinagbigyan ako, nagkamali po ako.

Nagkamali ako sa lalaking pinili kong mahalin, nagkamali ako sa mga pangyayari sa relasyon namin. Nagkamali ako dahil hindi na nga ako natuto. I went into a relationship again with a man who was not yet legally free. Humihingi ako ng tawad kay Alma Moreno at sa mga anak niya, baka sana kung hindi ako pumasok sa eksena baka sana nagkabalikan pa kayo. Humihingi ako ng tawad Korina sa anak kong si Josh dahil kung minsan kinakalimutan ko na siya para lang mapagbigyan si Joey.

Humihingi ako ng tawad sa lahat ng katrabaho ko na namroblema kapag ako ay namomroblema sa love life ko. I was asking myself before this interview was conducted because it can go either ways. Tinanong ko ang sarili ko, Kris handa ka ba? I have stated this many times that one of my greatest fears is to no longer have a life. And I realized, maybe I donít deserve this. Maybe itís about time na ire-assess ko ang sarili ko 'tsaka dapat pagbayaran ko ang pagkakamali, baguhin ko ang direksiyon ng buhay ko.

Iíve been so blessed, Korina, everything has poured in. All the material blessings, lahat ng magandang pwedeng mangyari sa isang career and yet I tried to have it all. That is my mistake. I forgot what I said before to whom much has given much is expected in return. Nakalimutan ko iyon dahil masyado kong minahal si Joey.

KORINA: May natitira pa bang pagmamahal sa puso mo para sa kanya?

KRIS: I am the biggest liar if I said I donít love him anymore, but I will also know that I will be the most stupid person already to continue loving him. Minahal ko ang mga mahal niya. Alam niya, I was there specially to his two daughters, Jesamine[?] and Jayvee[?], he knows what I went through with Jayvee. He knows how much I love Jayvee. Hindi ako masamang tao Korina. Kasalanan ko minahal ko siya at pinayagan kong mangyari lahat ito.

KORINA: On the contrary, I donít think that you have lost anything. I think with this incident youíve gained everything back.

KRIS: All my mom said was that, Kris the right man will come. And I said, mom at this point baka tama si Joey, sino pa bang lalaki ang magkakagusto sa akin. My only fear is what happens to Josh. My mom is so worried about the trauma he went through, because kahit papaano may naiintindihan siya sa mga naganap. Mabubuhay ko ba ang anak after this?

Iyan ang pinag-iisipan ko. Bukas Iím suppose to shoot a commercial. Iíve been telling all of them how do you expect me to do that? How does life go back to normal if its not a broken heart. Iím a broken person.

KORINA: I think things can only get better for you and thereís no way but up. And as far as sa mga lalaki...

KRIS: Hindi ko alam kung mapapatawad ninyo ako at hindi ko alam kung makakabangon pa ako.

KORINA: Maraming salamat.

KRIS: Joey, hindi tayo nakapag-usap ng maayos, sinasabi mo na gusto kitang sirain. Ayaw kitang sirain dahil mahal kita. I loved you with all my heart. Maybe you can tell me, but you never respected me. And in the process I stopped respecting you. Pagkatapos nito gusto ko nang magkaroon ng dignidad ulit. Lahat ng baho nilabas ko na, lahat ng mga naganap nilabas ko na.

This was not the matter between the two of us. Your camp made it a public matter. Kayo ang nagsalita, sumagot ako. Sinabi ko ang panig ko.Sinabi ko ang katotohanan.

Kung mayroon ho akong puwedeng panghawakan sa buong buhay ko ay hindi po ako sinungaling. Hindi po ako nagging mabuting tao, baka ang moralidad ko pwede ninyong kwestyunin, pero hindi po ako nagsinungaling. Alam ko ang mga pagkakamali ko. Hindi ko alam kung mapapatawad ninyo ako at hindi ko alam kung makakabangon pa ako.

26/09/2003

Bron : ABS-CBN

Archief - Home